^

Punto Mo

Ang talino ba ay nasusukat sa exam?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

HINDI naman siya bobo at masipag mag-aral pero ­laging mababa ang grade niya sa written exam. Mayroong test anxiety si Robert Stenberg. Kapag kumukuha siya ng exam, automatic na ninerbyusin siya. Bunga ng hindi magandang academic experience, napag-isipan  niya na ang test na ibinibigay sa mga paaralan ay hindi tumpak na sukatan ng aktuwal na kakayahan at kaalaman ng isang tao.

Kaya pagsapit sa kolehiyo, kinuha niya ang kursong psychology. Nais niyang pag-aralan at patunayan na ang ‘standard test’ na ibinibigay sa mga eskuwelahan ay mahinang sukatan ng mental abilities ng indibidwal. Minsan, sinabihan siya ng kanyang propesor na lumipat sa ibang kurso dahil laging mababa ang grade na nakukuha niya sa Introductory Psychology.

Sa halip na panghinaan ng loob, itinuloy niya ang kanyang kurso hanggang sa nakatapos siya ng Bachelor’s degree in Psychology sa Yale University noong 1972 at Ph.D. sa Stanford noong 1975. Dinibelop niya ang kanyang unang intelligence test na tinawag niyang Sternberg Test of Mental Ability (STOMA).

Sa STOMA, masusukat dito ang tatlong klase ng intelligence ng isang tao: analytical intelligence (or problem-solving abilities), creative intelligence (using prior knowledge and skills to deal with new situations) and practical intelligence (the ability to adapt to a changing world). Sa pagsukat ng tatlong klaseng talino, magiging mabilis para sa mga researchers at educators na makuha nang malinaw kung ano ang kakayahan ng mga taong kumuha ng test. Si Dr. Robert Stenberg ay naging isa sa world’s foremost authorities on intelligence theory.

EXAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with