^

Punto Mo

Doktor sa U.S., nagising na may paniki sa bibig!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGISING sa matinding takot ang isang doktor sa Richmond, Virginia matapos matuklasan na isang paniki ang sumusubok na pumasok sa kanyang bibig habang siya ay natutulog.

Ayon kay Dr. Krista Edelman, isang gastroenterologist, una niyang inakala na bahagi lamang ng kanyang panaginip ang nangyayari.

Sa kanyang panaginip, may maliit na daga na gustong pumapasok sa kanyang bibig.

Habang unti-unti siyang nagigising, hinawakan niya ang bagay na nasa kanyang mukha. Noong una, inakala niyang parang bulaklak lamang ito, ngunit nang maramdaman niya ang maikli at magaspang na balahibo sa likod nito, doon niya napagtantong paniki pala ang kanyang nahawakan.

Agad na nagsaliksik si Edelman kung ano ang dapat gawin at nalaman niyang mas mabuting hulihin ang paniki kaysa patayin ito upang masuri kung mayroon itong rabies. Gumamit siya ng maliit na balde at matagumpay na nakulong ang hayop.

Pumunta si Edelman sa emergency department ng St. Mary’s Hospital, kung saan siya nagtatrabaho, upang magpakunsulta.

Ayon sa assistant medical director ng emergency room, dapat seryosohin ang sitwasyon kapag nagising ang isang tao na may paniki sa loob ng kanyang silid. Napakaliit kasi ng ngipin ng paniki kaya posibleng hindi agad mapansin kung nakagat na ang isang tao. Mahalaga umano itong matukoy dahil maaaring ikamatay ang rabies kapag lumitaw na ang mga sintomas nito.

Pinayuhan ang publiko na, kung ligtas na magagawa, ikulong ang paniki at agad makipag-ugnayan sa local health department o animal control para sa tamang gabay. Karaniwang lumalabas ang resulta ng rabies testing sa loob ng humigit-kumulang 48 oras.

Kalaunan, lumabas na negatibo sa rabies ang paniking natagpuan sa bahay ni Edelman.

Ibinahagi ng doktor ang kanyang karanasan upang ipaalam sa iba kung ano ang tamang gawin sa ganitong sitwasyon. Ayon pa sa doktor, bilang sanay sa farm animals, akala niya ay alam niya ang mga pangunahing hakbang sa pagharap sa mga emergency situation na may kinalaman sa hayop pero napagtanto niyang marami pa rin siyang hindi alam tungkol sa posibleng rabies exposure.

DOCTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with