Alden at Dony, inisyuhan ang beso-beso!

Iniisyuhan ng bashers ni Alden Richards ang pagkikita nila ni Donny Pangilinan sa Preview Ball 2026. Para sa bashers, patunay daw ‘yun na type ni Alden si Donny at agad itong sinagot ng mga fans ni Alden na kung nakita niya ang video, makikitang si Donny ang lumapit kay Alden.
Sa sequence ng video, makikita na habang ini-interview si Alden, nasa likuran niya si Donny at unti-unting lumalapit kay Alden. Sa sumunod na photo, makikita na si Donny na bumeso kay Alden at sa huling photo, nagkamay ang dalawa.
Buwelta ng mga fans ni Alden, dapat alamin muna ng mga bashers ng aktor ang totoong nangyari sa Preview event bago mag-ingay na mali naman. Si Donny ang lumapit at hindi si Alden at magkaibigan ang dalawa, kaya walang rason kung bakit hindi sila mag-usap.
Actually, may nababasa pa kaming pangalan na iniisyu kay Alden, and after his interview sa Gandang Gabi Vice, iisipin mong nagbago na sila nang paniniwala kay Alden. Pero, may mga makukulit pa rin at nag-i-stick sa kanilang paniniwala.
Nagpasalamat naman ang mga fans ni Alden kay Vice Ganda. “This is the first time Alden has trusted someone enough to let out his vulnerability. He’s been holding that in for a long time too, kinikimkim. We totally get him. Vice understands Alden, no judgment.”
Nag-agree ang ibang fans ni Alden sa comment na ‘yun ng fan ng aktor. First time raw nito nagsalita sa isyu na matagal nang ibinabato sa kanya.
Anak nina Paolo at paulo kay LJ, malalaki na!
Malaki na si Summer, ang anak ni LJ Reyes kay Paolo Contis na si Summer. Kasama siya sa photos na pinost ni LJ sa business nila ng asawang si Philip Evangelista na tinawag nilang The Village Cookie.
Kasama rin sa photos na pinost ni LJ ang anak nila ni Paulo Avelino na si Aki na binata na at mas matangkad na kay LJ. Kamukha ito nina LJ at Paulo.
Kung pina-follow ni Paolo si LJ sa IG, makikita nito na malaki na ang daughter nila na for sure, may New York accent na.
Pinost nina LJ at Philip ang best-selling flavor ng kanilang cookie business at sa photos, gugustuhin mong matikman.
Kailan kaya magbubukas ng branch dito sina LJ?
Tatlong Dyesebel, nag-bonding!
Tuwang-tuwa ang mga fans sa napanood sa TikTok kung saan, nagsama-sama ang tatlong Dyesebel sa isang frame. First time na nagsana-sama sina Anne Curtis, Alice Dixson, at Marian Rivera na pare-parehong gumanap na Dyesebel.
Ang kuwento nang nag-post ng TikTok, sina Alice at Marian lang dapat ang ipapakita, biglang nakita nila si Anne at isinama sa video. Si Anne raw mismo ang nagturo sa dalawang Dyesebel ng TikTok routine at maganda ang kinalabasan ng clip.
Na-share ni Alice ang clip sa Instagram at nabanggit na first time nga nilang magsama-sama sa video. Nakwento rin ni Alice na dapat sila lang ni Marian ang magti-TikTok at game si Anne na sumali. “Dapat kami lang ni Yan2. Pero G si Anne... Sya pa nagturo hahaha.”
Maaalalang si Alice ang gumanap na Dyesebel sa pelikula na lumabas noong 1990. Si Marian ay naging Dyesel sa TV adaptation noong 2008 at si Anne, sa TV adaptation ng ABS-CBN noong 2014.
- Latest






















