^

Probinsiya

Pasok sa iskul sa Albay, suspendido ng 5-araw

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa dengue outbreak

LEGAZPI CITY, Philippines — Sinuspinde ng limang araw, simula kahapon hanggang sa Biyernes ang pasok sa elementarya, high school, kolehiyo at unibersidad ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Albay upang bigyang daan ang hakbang na sugpuin ang mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

Ang suspension ay ginawa ni Gov. Noel Rosal matapos na lumobo ang bilang ng mga tinamaan ng dengue sa kanilang lalawigan, at ang ipinatawag nitong emergency meeting na dinaluhan ng mga alkalde ng bayan, mga opisyal at kinatawan ng Albay Provincial Safety and Emergency Management Office, Provincial Health Office, at DOH-Bicol Center for Health Development.

Sa tala, nasa 2,000 katao na ang nagpositibo sa dengue sa lalawigan habang 14 ang nasawi.

Isinailalim na rin sa state of calamity ang Albay dahil sa dengue outbreak.

Ipapatupad ang pagpa-fogging sa buong lalawigan at magbibigay ang kapitolyo ng tig-iisang fogging machine sa 15 bayan upang targetin ang mga lugar na may maraming kaso ng dengue kasama ang mga paaralan at classrooms.

Sa Huwebes, gagawin ang sabay-sabay na paglilinis sa 720 barangay ng upang hanapin ang mga lugar na pinamumugaran ng lamok at nagsisilbing breeding grounds.

SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with