‘My testimony is not for sale’
Cabotaje-Tang sinopla abogado ni VP Sara
MANILA, Philippines — “I will never testify if ever I was offered anything, material or otherwise. My testimony is not for sale.”
Ito ang diretsang sagot ni dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang sa harap ng Senate Impeachment Court nitong Lunes matapos tanungin ng abogado ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Mark Vinluan kung siya ba ay pinangakuan kapalit ng kanyang pagtestigo.
Sa cross-examination, tinanong ni Vinluan kung naghahangad ba si Tang na maitalaga bilang ambassador, na sinagot ng huli na nais lamang niyang mag-enjoy sa kanyang pagreretiro.
Iniharap ng prosekusyon si Tang bilang unang testigo sa Article II ng Articles of Impeachment laban kay Duterte, na inaakusahan ng umano’y pagkakamal ng hindi maipaliwanag na yaman.
Itinanong din ng depensa kung maituturing si Tang na isang “legal expert” na kuwalipikadong tumestigo sa public accountability.
Sagot niya: “I will not pass judgment on my expertise or absence of it.”
Itinanggi rin ni Tang na siya ay “anti-Duterte” o “Kakampink,” at iginiit na wala siyang personal na kaugnayan kay Duterte o sa Akbayan Party-list na kinakatawan ni Diokno. Aniya, hindi niya personal na kilala ang vice president.
- Latest






















