^

PSN Showbiz

Angela, five years old lang nang maging super idol si Sarah!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Angela, five years old lang nang maging super idol si Sarah!
Angela Muji at Sarah Geronimo

Unstoppable si Angela Muji na ngayon ay nagbabalik sa singing roots via her latest single, Is It Over,  under Ivory Music.

Kilala sa kanyang role sa ongoing Viva One hit series na Dating Alys Perez, patuloy na tinatamasa ni Angela ang career milestone bilang actress habang hindi kinakalimutan ang kanyang passion for music.

At aminado siyang si Nadine Lustre  ang peg niya pagdating sa pagkanta although si Sarah Geronimo raw ang idolo niya since five years old siya.

Sinabi rin niyang hirap siyang mamili between acting and singing dahil mahal niya ito pareho. Pero feel niyang nakakalamang ang acting dahil gaya sa singing nai-express niya ang sarili sa facial expression at emosyong involved sa mga eksena kaya naman napupuri rin ang acting niya particular na dito sa Dating Alys Perez.

At plano raw niya talagang i-explore pa ang music career niya sa pamamagitan ng mga kantang tulad ng Paligoy-ligoy ni Nadine o Kakaibabe ni Donnalyn Bartolome.

Ang kanyang latest release ay dagdag sa growing list ng musical endeavors niya na nagsimula noong naging bahagi siya ng P-Pop Generation taong 2019.

Nang sumabak siya sa acting, nagkaroon si Angela ng supporting roles sa Chasing in the Wild at Ang Mutya ng Section E bago naging bida sa Seducing Drake Palma last year.

Dito na nag-umpisa ang popular onscreen pairing nila ni Rabin Angeles - kilalang RabGel.

Dahil sa tagumpay ng kanilang tandem, nagkaroon ng sunud-sunod na partnership ang dalawa, kabilang ang kanilang film debut  sa A Werewolf Boy.

Bumida rin sila sa anthology series na Viva One Presents: RabGel, kung saan nabigyan sila ng chance na mag-explore ng iba’t ibang stories and characters habang lutang ang kanilang chemistry.

Sa kasalukuyan laging trending ang Dating Alys Perez.

Anyway, sa pamamagitan ng Is It Over, muling ipinapakita ni Angela sa mga fans ang artist behind the actress at nagsisilbi itong panibagong chapter sa kanyang journey sa music at entertainment.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with