^

Police Metro

Mass grave sa Coron para sa ferry victims

Joy Cantos - Pang-masa
Mass grave sa Coron para sa ferry victims
This handout photo taken on September 11, 2026 and released by the Philippine coast Guard (PCG), shows an aerial shot of the ill-fated M/V June Aster with coast guard boats (L) at the stern off the shores of Coron town, Palawan province.
Philippine Coast Guard handout / AFP

Sa mga ‘di nakilalang nasawi

MANILA, Philippines — Pansamantalang ililibing sa isang mass grave sa San Nicolas Public Cemetery ang mga hindi pa nakikilalang labi ng mga biktima mula sa nasunog na pampasaherong barko na MV June Aster sa Coron, Palawan.

Ayon sa huling ulat ng mga otoridad, umabot na sa 76 ang kumpirmadong nasawi, 43 ang nasagip, 30 dito ang mga pasahero kabilang ang dalawang Chilean national at 13 ang tripulante habang 12 pa ang nawawala matapos sumiklab ang sunog noong gabi ng Setyembre 9, 2026 habang papalapit ang barko sa destinasyon nito.

Ang paghuhukay ng lokal na pamahalaan ang mass grave sa San Nicolas Public Cemetery sa Coron upang bigyang-daan ang mabilis at maayos na paglalagakan ng mga sunog na labi habang hinihintay ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Nabatid na marami sa mga narekober na bangkay ng Philippine Coast Guard (PCG) ay “badly burned” o sunog na sunog.

Ayon sa pamahalaang lokal naglagay na rin ng makeshift laboratory sa Borac Port kung saan ang mga PNP Scene of the Crime Operations (SOCO) team ay nagsasagawa na ng pagpoproseso sa mga narekober na labi upang matukoy ang pagkakakilanlan sa mga biktima.

Ang mga makokolektang mga samples ay dadalhin naman sa PNP Crime Laboratory sa Camp Crame para maisailalim sa DNA testing at ang resulta ay inaasahang tatagal ng 3 linggo.

CEMETERY

PALAWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with