^

Police Metro

Lider ng NPA, 3 pa todas sa encounter

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na rebeldeng New People’s Army (NPA) kabilang ang isang itinuturing na high ranking na lider ang napatay nang makaengkuwentro ang tropa ng pamahalaan sa Brgy. Bakingking, Ezperanza, Agusan del Sur.

Sa ulat ng Army’s 4th Infantry Division (ID), kinilala ag napatay na opisyal ng CPP-NPA na si Ka Rheda, Secretary ng North Central Mindabao Regional Committee (NCMRC) at isang mataas na lider ng NPA rebels sa Northern Mindanao (Region X).

Ang tatlo pang nasawi ay sina Jonny Lindayo alyas Ka Kikoy;Rochamae Bihag alyas Ka Maki at Gerald Basahon alyas Ka Doydoy.

Arestado naman ang tatlo pang rebelde habang papatakas sa encounter site na kinilalang sina Cherelyn Cuarisma Magsayo, alyas “Ka Lianp”; “Marilyn Taquiin,” alyas “Ka Mayang” at “Angelito Torres” alyas “Ka Erin.”

Ayon kay Lt. Col. Joe Patrick Martinez, spokesman ng Army’s 4th ID, isinuplong ng mga sibilyan sa mga sundalo ang presensya ng grupo ng mga rebelde sa nasabing lugar kahapon ng alas-5:30 ng umaga kaya’t mabilis na nagresponde ang tropang gobyerno na nauwi sa bakbakan ng magkabilang panig na ikinasawi ng apat na rebelde.

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with