Remulla: Presiding officer, tungkulin ng acting vice mayo
MANILA, Philippines — Nilinaw ni Ombudsman Jesus Crispin C. Remulla na kabilang sa tungkulin ng isang acting vice mayor ang pagiging presiding officer ng Sangguniang Panlungsod.
Kasunod ito ng usapin sa awtoridad ni San Pablo City Acting Vice Mayor Shaira Aliyah Diaz matapos suspendihin ng Ombudsman sina Mayor Arcadio “Najie” Gapangada Jr. at Vice Mayor Justin Colago. Dahil dito, naging acting mayor si First Councilor Carmela Acebedo at acting vice mayor si Second Councilor Diaz.
Tinanong si Remulla tungkol sa isyu sa kanyang DZRH program nitong Sabado, Setyembre 12, matapos kuwestiyunin ng ilang konsehal kung kasama sa pagiging acting vice mayor ang pagiging presiding officer. “Ah kasama ’yun,” sagot ni Remulla.
Bahagi ng usapin ang DILG Opinion No. 10, s. 2025, habang iginiit ni Diaz na iba ang kanyang sitwasyon dahil nagkaroon ng vacancy matapos ma-preventively suspend ang halal na vice mayor at ang kanyang pag-upo ay alinsunod sa order of succession.
Noong Agosto 25, pormal na itinalaga ng DILG si Diaz bilang acting vice mayor hanggang matapos ang vacancy.
- Latest

















