War hero itinalaga sa kapayapaan, kaunlaran
MANILA, Philippines — Itinalaga bilang Executive Director ng National Secretariat ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) si retiradong Army LtGen. Danilo G. Pamonag, na kilala sa kanyang malawak na karanasan sa mga operasyon kontra-terorismo at peace and development efforts. Pormal siyang nanumpa sa seremonyang pinangunahan ni Executive Secretary Ralph G. Recto.
Pangungunahan ni Pamonag ang pagpapalakas ng koordinasyon ng national government, LGUs, civil society organizations, at mga komunidad upang maisulong ang pangmatagalang kapayapaan, serbisyo publiko, kabuhayan, at oportunidad sa mga dating conflict-affected areas.
Kabilang sa kanyang mandato ang pagpapatupad ng National Action Plan for Unity, Peace and Development (NAP-UPD) 2025–2028 at pagpapalakas ng Barangay Development Program (BDP) na naglalaan ng mga pangunahing proyekto gaya ng farm-to-market roads, tubig, elektripikasyon, health facilities, at paaralan sa mga liblib na barangay.
Bitbit ni Pamonag ang dekadang karanasan sa serbisyo militar at sibilyan. Isa siya sa mga pangunahing commander noong 2013 Zamboanga Siege at namuno sa Joint Special Operations Task Force “Trident” sa 2017 Marawi Siege laban sa Daesh-inspired terrorist elements. Nagsilbi rin siyang DSWD undersecretary noong pandemya.
- Latest




















