‘Voting threshold’ kay VP Sara dapat mas mababa sa 13 – Calleja
MANILA, Philippines — Dapat mas mababa umano sa 13 ang voting threshold ng mga senador-judges kung pagbabatayan na nasa 20 lamang sa kanila ang nagpapartisipa sa paglilitis sa Senate impeachment court laban kay Vice President Sara Duterte.
“We are applying two-thirds kasi tignan po natin ang batas, concurrence of two-thirds of all members. Hindi sinabing 16, hindi sinabing 24. So, movable po ‘yung number ng two-thirds, movable din ‘yung number ng all members,” saad ni Atty. Howard Calleja sa News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City nitong Sabado.
Ayon kay Calleja dapat na magbago ang denominator at lalo na aniya at ang legal na nagtatrabahong mga Senador o nagpapartisipa sa impeachment court kung saan bawas na ang 24 miyembro nito ng tatlo hanggang apat.
Ang mga ito ay sina Senador Rodante Marcoleta, Senador Jinggoy Estrada na kapwa nakakulong sa Payatas Jail sa Quezon City sa kasong plunder habang ang isa pa ay ang nagtatagong si Senador Ronald “Bato’ dela Rosa.
“So, tatlo na po ‘yan. So, 21 so, ano ho ang two-thirds ng 21? So, doon po tayo titingin kung 13 po ‘yan o 14,” ani Calleja. Samantalang ang isa pa na si Senadora Loren Legarda ay hindi na rin nakakadalo sa impeachment trial”, punto ni Calleja .Sa inisyal na ruling ng Senate Presiding officer Senador Chiz Escudero nangangailangan ng 2/3 ng boto para ma-convict si VP Sara ay kailangan ang 16 boto.
- Latest
















