Alex Eala, front row sa New York Fashion Week!

Nabinyagan na sa ‘fashion’ ang Filipina tennis star na si Alex Eala sa kanyang unang pagdalo sa New York Fashion Week, kung saan front row siya ng Tory Burch show kasama sina Anna Wintour, Amanda Seyfried at Lauryn Hill.
Maaalalang kasama sa nakapansin sa kanyang fashion style ang Vogue global editorial director na si Anna Wintour. Sa isang video na posted sa US Open social media pages, nagbigay ng opinion si Wintour that time kung paano lalong ginagamit ng mga tennis player ang fashion bilang isang paraan ng pagpapahayag ng sarili.
Una niyang binanggit sina Serena Williams at Naomi Osaka bilang mga halimbawa.Hanggang binanggit na niya ang pangalan ni Alex na aniya ay isang batang player na nagpapakita na ng matinding interes sa fashion.
Anyway, sinabi naman ni Alex sa kanyang unang rampa sa NYFW : “Sports and fashion are common in a way where you get to express yourself and you get to show your personality.
“Sports is very physically demanding and fashion, maybe come back to me after this week and I’ll know more about it. This is my first fashion week,” sabi niya sa Cultured magazine reel.
Kasalukuyan ding nasa NYFW si Heart Evangelista.
- Latest






















