^

Police Metro

Remulla, nais ibalik sa 15-19 ang edad ng SK

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nais ibalik ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa 15 hanggang 19 na taong gulang ang edad ng mga maaaring tumakbo sa Sangguniang Kabataan (SK).

Ayon kay Remulla, mas magiging angkop ang gani­tong edad upang matiyak na ang mga halal na SK official ay tunay na kumakatawan sa sektor ng kabataan na kanilang pinaglilingkuran.

Sinabi ni Remulla na sa kasalukuyang age limit na 18 hanggang 29, maaaring mayroon nang trabaho, asawa o sariling pamilya ang isang SK official pagsapit ng 28 o 29 taong gulang.

Binanggit din niya ang malaking agwat sa edad at responsibilidad ng mga maaaring tumakbo sa SK at sa ibang lokal na posisyon. Aniya, 23 taong gulang ang minimum age para tumakbo bilang gobernador habang umaabot sa 29 ang kasalukuyang maximum age para sa SK.

Nais din ni Remulla na suriin ang fiscal autonomy ng SK dahil kailangan pa umanong palakasin ang kakayahan at kahandaan ng mga batang opisyal sa pamamahala ng pondo ng pamahalaan.

Binigyang-diin ng kalihim na dapat isulong ang mga reporma sa SK upang mapalakas ang partisipasyon ng kabataan sa pamamahala, kasabay ng pagkakaroon ng sapat na mekanismo para matiyak ang maayos at res­ponsableng paggamit ng kanilang pondo.

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with