^

Probinsiya

Tandem nagpa-gas, pump attendant binayaran ng bala!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Tandem nagpa-gas, pump attendant binayaran ng bala!
Batay sa imbestigasyon ng Liloy Municipal Police Station (MPS), nangyari ang insidente dakong alas-12:45 ng tanghali nitong Setyembre 10 habang nasa trabaho ang biktima sa gasolinahan.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Isang 26-anyos na pump attendant ng gasoline station ang nasawi matapos barilin ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na nagpagkarga ng gasolina sa Barangay San Miguel, Liloy, Zamboanga del Norte nitong Huwebes ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Eugenio Tubio alyas “Moymoy,” binata at residente ng Barangay Banigan, Liloy.

Batay sa imbestigasyon ng Liloy Municipal Police Station (MPS), nangyari ang insidente dakong alas-12:45 ng tanghali nitong Setyembre 10 habang nasa trabaho ang biktima sa gasolinahan.

Ayon sa pulisya, dumating ang dalawang suspek na magkaangkas sa Honda XRM 125 motorcycle na may plakang J324SK at nagpagasolina.

Kita sa CCTV footage na tinakpan pa ng isa sa mga suspek ang plaka ng kanilang motorsiklo habang naghahanap ng pagkakataon ang isa pa.

Nang tumalikod si Tubio, lumapit umano ang isa sa mga suspek at pinaputukan nang malapitan ang biktima na nasapol ng bala sa leeg, at agad isinugod sa pagamutan, ngunit idineklarang dead-on-arrival.

HRM

MPS

TUBIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with