^

Bansa

4 ‘Maleta Boys’ na nag-recant, inaresto

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na ‘Maleta Boys’ na dating bodyguard ni dating kongresista Zaldy Co na nag-recant ang ina­resto ng mga awtoridad sa San Juan City kaugnay ng kasong cyberlibel.

Ayon kay San Juan City Police Station chief Col. Anthony Gantang, ang apat na dating mi­yembro ng Philippine Marines ay kabilang sa 18 umano’y dating bodyguard ni Co na pina­ngalanang respondents sa nasabing kaso.

Dinakip ang mga ito dakong alas-11:30 ng umaga nitong Huwebes sa San Juan Hall of Justice habang dumadalo sa hiwalay na kaso. Isinagawa ang pag-aresto batay sa warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 93 noong Setyembre 9.

Ang warrant ay kaugnay ng umano’y paglabag sa Section 4(c) ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. Nakalaya rin ang apat matapos makapagpiyansa.

CYBERCRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with