^

PM Sports

NLEX silat sa Blackwater sa PBA on Tour

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naitakas ng Blackwater ang 109-107 panalo kontra sa NLEX para sa magarbong pambungad ng PBA on Tour kamakalawa ng gabi sa San Jose del Monte Sprots Complex sa Bulacan.

Isinalpak ni David Murrell ang game-winning dunk sa huling 30 segundo ng duwelo bago sumandal ang Bossing sa depensa nang hindi na paiskorin ang Road Warriors tungo sa tagumpay.

Ito ang unang patikim ng PBA sa pansamantalang liga bagama’t walang bearing sa standings ng nakatenggang PBA Season 50 Governors’ Cup para makapagbigay-daan sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2026 Achi-Nagoya Asian Games simula nga­yong araw.

All-PBA team ang ipinadala ng Gilas sa mando ni head coach Tim Cone sa Asiad upang depensahan ang trono nito kaya hininto muna ang PBA ng lagpas 2 buwan dahil na rin sa preparasyon ng koponan sa katatapos lang na Window 4 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with