^

PSN Showbiz

Janine, may pangarap kina Lotlot at Monching

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Janine, may pangarap kina Lotlot at Monching
Janine Gutierrez

Nangangarap si Janine Gutierrez na makagawa ng isang proyekto na kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.  Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong makatrabaho ng aktres ang mga magulang na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

“Actually, noong bata ako, mayroong sitcom ‘yung parents ko. It was called Mag-Asawa’y ‘Di Biro. Tapos kasama rin doon, ‘yung lola (Pilita Corrales) at lolo (Eddie Gutierrez) ko. Tapos ‘yung parents ko d’on mag-asawa,” nakangiting pagbabahagi ni Janine.

Sitcom ang tema ng gustong gawing proyekto ng dalaga nakasama ang mga mahal sa buhay. “I think ang cool lang nauna sa lahat, sitcom. Nakaka-miss ‘yung sitcom. And pangalawa, parang naglalaro lang kayo, but work. So, that would be nice,” giit ng aktres.

Bukod sa mga magulang ay gusto ring makatrabaho ni Janine ang nakababatang kapatid na si Diego Gutierrez. Magaling kumanta si Diego, pero gusto rin daw ng binata na masubukan ang pag-arte sa harap ng kamera. “I’m excited na sinabi niya ‘yon. Kasi noong una, gusto niya talaga mag-focus sa singing,” pagtatapos ng dalaga.

BARBIE, namangha!

Mapapanood na simula ngayong araw ang Honor Thy Mother sa Amazon Prime Video na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Barbie Forteza. Kamakailan ay naibahagi sa amin ng Kapuso actress na ang Megastar ang kanyang naging inspirasyon noon upang sumabak sa show business. Aminado si Barbie na talagang malaki ang paghanga niya sabeteranang aktres. “ Ang hirap po. Mama (Sharon), to this day I swear, kapag meron tayong eksena together, as in inaaral ko siya sa standby area para pagdating ko sa set, pwede na akong mag-fangirl,” pagbabahagi ni Barbie.

Kahit namamangha ang dalaga kay Sharon ay hindi naman umano nakararamdam ng pagkailang o takot si Barbie sa Megastar. “Takot, wala at all. Kasi first meeting pa lang namin ni Ms. Sharon sa first Prime Video event for all the local titles this year, talagang grabe. Sobrang warm welcome sa akin ni Ms. Sharon. ‘Finally, magkaka-work na tayo. Excited na ako.’ As in first meeting sabi niya, ‘Anak ko.’ sobrang winelcome po ako ni Ms. Sharon. Mama Sharon napo ang tawag ko sa kanya. Kaya wala po akong naramdamang takot. Mas fangirling talaga. Na-fulfill po talaga ang pagiging fangirl namin ng nanay ko,” kwento ng Kapuso actress.

Ayon kay Barbie ay maraming bagay ang natutunan niyamula sa Megastar pagdating sa trabaho. “Seriously, she’s like our walking script database. Kapag meron kaming nalilimot, alam niya, memorized. Always prepared. I always learn from Mama Sharon, ‘yon palagi ang sinasabi ko. It’s like taking a masterclass every day, front row seat,” makahulugang pahayag ng dalaga. — Reports from JCC

JANINE GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with