Ex-traffic enforcer nangotong para sa b-day, timbog
MANILA, Philippines — Nagdiwang ng kanyang kaarawan sa selda ang isang dating traffic enforcer nang isumbong siya ng isang kumpanya na nangongotong sa Parañaque City, noong Miyerkules.
Sa ulat ng Parañaque City Police Station, ang 42-anyos na suspek ay nagpakilalang aktibong traffic enforcer, subalit sa beripikasyon sa Taguig City Traffic Management Office ay lumabas na sinibak na ito.
Ayon sa kumpanya sa Barangay San Martin de Porres na pinuntahan sila ng suspek noong Setyembre 1 at humingi ng protection money kapalit umano ng hindi pagsita sa kanilang delivery truck.
Lingid sa kaalaman ay tumawag na ng pulis ang kumpanya at ipinaaresto ang suspek.
- Latest



















