^

Police Metro

Higit 15K pulis, ikakalat sa Sept. 21 rally

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang matiyak ang seguridad sa mga nakatakdang anti-corruption rallies sa Metro Manila sa Setyembre 21 ay magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng mahigit 15,000 pulis.

Ayon kay NCRPO Director PBGen. Christopher Abrahano, inihahanda na ng kanilang hanay ang seguridad sa mga kilos-protesta habang iginagalang ang karapatan ng publiko na magpahayag ng saloobin.

Sinabi ni Abrahano na paiigtingin din nila ang koordinasyon sa iba’t ibang intelligence units upang matukoy ang posibleng grupong maaaring magtangkang manggulo o sumingit sa mga lehitimong demonstrasyon.

Wala pa umanong natatanggap na impormasyon ang NCRPO hinggil sa mga permit ng mga grupong magsasagawa ng rally na dapat sana’y ipinapaabot ng mga lokal na pamahalaan.

Nakipag-ugnayan na rin umano ang pulisya sa mga lider ng mga grupo upang magkaroon ng koordinasyon at maiwasan ang anumang kaguluhan.

Sinabi ni Abrahano na wala pa silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad kaugnay ng mga protesta ngunit itataas pa rin nila ang alerto at ipatutupad ang mas mahigpit na pagbabantay.

Aniya, walang muna umanong leave ang mga pulis upang matiyak ang sapat na bilang ng personnel na magbabantay sa mga kalsada at lugar na pagdarausan ng mga pagkilos.

NCRPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with