PCG: China nagpakawala ng flares sa PCG aircraft
MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpakawala ng flares ang Chinese forces laban sa isang hindi armadong PCG aircraft habang nagsasagawa ito ng routine flight sa West Philippine Sea (WPS) noong Lunes, Setyembre 7.
Ayon kay PCG spokesperson for the WPS Rear Admiral Jay Tarriela, nagsasagawa ng maritime domain awareness (MDA) flight ang Philippine aircraft sa Kalayaan Island Group (KIG) nang maganap ang insidente. Bago mag-landing sa Pag-asa Island, pinadalhan ng radio challenge ng Chinese forces na ilegal umanong nakapuwesto sa Zamora (Subi) Reef ang PCG aircraft, kasabay ng pagpapakawala ng flares.
Muli ring nagpakawala ng flares ang Chinese forces na nakapuwesto sa Panganiban (Mischief) Reef. Namataan din ang mga Chinese maritime militia vessels sa loob ng lagoons ng Zamora at Panganiban Reef.
Wala umanong personnel na nakita sa mga deck ng barko o reclaimed facilities, at walang vehicular movement na na-monitor sa artipisyal na isla.
- Latest



















