Metro Manila, Luzon uulanin sa Habagat
MANILA, Philippines — Patuloy na mararanasan ang mga pag-ulan sa Metro Manila at iba’t ibang lalawigan sa Luzon mula Biyernes, Setyembre 11 hanggang Sabado, Setyembre 12, dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa PAGASA.
Ngayong Biyernes, bukod sa Metro Manila makararanas din ng mga pag-ulan sa La Union, Pangasinan, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro at Occidental Mindoro.
Sa Sabado (Setyembre 12), uulanin ang La Union, Pangasinan, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac at Pampanga.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging handa at mapagmasid sa kanilang paligid. Agad na makipag-ugnayan sa barangay kung may emergency o pagbaha.
Samantala, nakararanas ng mainit na panahon, mataas na humidity, at kakulangan sa ulan ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao. Dulot ito ng El Niño phenomenon na nagdudulot ng mababang antas ng pag-ulan sa rehiyon.
- Latest



















