2 batang estudyante naglaro sa dike, lunod

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Trahedya ang inabot ng dalawang batang naglalaro sa dike matapos na matagpuan silang pareho nang patay sa Makabalo River ng Sitio Malangka, Brgy.Taysan, Legazpi City, Albay kamakalawa ng hapon.
Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang mga biktima na kinilala lang sa mga pangalang “Joana” at “Wilbert”; kapwa 11-anyos at elementary pupils, at residente ng Resettlement Site, Sitio Tognao, ng naturang barangay.
Sa ulat, bago ang insidente ay namataan pa ang mga bata na naglalaro malapit sa dike.
Gayunman, pasado ala-1 ng hapon ay natagpuan ang mga biktima ng isang backhoe operator na kapwa patay sa ilog.
Agad inihaon ng mga residente ang dalawang bata at nang dumating ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Legazpi City Police Station ay sinubukan pa nilang ni-revive at isinusugod sa ospital pero idineklarang kapwa patay.
- Latest
















