^

Probinsiya

Bahay ng tserman sinuwag ng dump truck: 7 kritikal

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Bahay ng tserman sinuwag ng dump truck: 7 kritikal
Parehong wasak ang bahay ng brgy. chairman at ang dump truck na rumagasa na malubhang ikinasugat ng pito katao sa Brgy. Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Miyerkules.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Pito katao kabilang ang tatlong bata at truck driver ang malubhang nasugatan makaraang rumagasa ang isang dump truck at bumagga sa isang bahay sa Barangay Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguin­danao del Norte nitong Miyerkules ng hapon.

Sinabi ng mga local executives at ng Sultan Kudarat Municipal Di­saster Risk Reduction and Management Office sa mga mamamahayag kahapon na nawalan ng kontrol sa manibela si Almansor Panda matapos na pumalya ang makina ng truck na minamaneho nito.

Ayon naman kay Captain Steffie Sala­nguit, spokesperson of the Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, at ng mga imbestigador ng Sultan Kudarat Municipal Police Station na rumesponde sa lugar, nawasak ang bahay na pag-aari ni Barangay Pigcalagan Chairman Johnny Alamada Adting dahil sa pagsuwag ng nasabing dump truck. 

Tatlo sa mga kamag-anak ni Chairman Alamada na kinilalang sina Noraisa, Norbaya at Israel, pawang may apelyidong Alamada; tatlo pang batang kapa­milya nila, at ang truck driver ang nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan sa insidente. Lahat sila ay isinugod sa ospital para malapatan ng agarang lunas.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with