3 misis todas sa kanilang mga mister
Ginulpi, sinagasaan, sinaksak
MANILA, Philippines — Tatlong misis ang nasawi sa kamay ng kanilang mga mister sa magkakahiwalay na insidente ng krimen sa Negros Occidental, Cagayan de Oro at Davao de Oro, ayon sa ulat ng pulisya.
Sa Negros Occidental, idineklarang dead on arrival ang misis na si Ezzence,31-anyos matapos na walang awang pinagsusuntok ng kanyang live-in partner na si James, 33-anyos dahil sa pagseselos ng una.
Ayon sa pulisya, bago ang krimen ay dumalo muna sa isang birthday ang mag-asawa na kung saan ay nakipag-inuman si James sa isang bisitang babae na kung saan ay nagselos ang biktima dahil umano sa pagiging sweet ng dalawa.
Umabot ng alas-2:00 ng madaling araw ang inuman at sa pag-uwi sa kanilang bahay sa Brgy. 3, San Carlos City ay rito na binungangaan ng babae ang mister na nauwi sa pagtatalo hanggang sa bugbugin ng huli ang una hanggang sa mawalan ng malay tao na kung saan ay binawian ng buhay sa ospital.
Sa Cagayan de Oro ay dead-on-the-spot ang biktimang si Ivy Berjam, 28, isang radiologic technologist nang bundulin ng kotse ng minamaneho ng mister nito si Paul Christian Roque, 36, nurse ang motortaxi na sinasakyan nito na kung saan ay nasugatan ang rider naganap,alas-5:30 ng madaling araw.
Sa ulat ng pulisya,bago nangyari ang insidente ay nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang mag-asawa sa hindi pa malamang dahilan.
Kaya’t nag-book ng online motorcycle ride si Tingson na sinundan ng mister na sakay naman ng Toyota Vios na kulay gray at sinalpok ang misis.
Sa Brgy.Poblacion, Mawab, Davao de Oro ay tinodas ng lolo sa saksak ang kanyang misis na 70-anyos matapos ang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay.
Ang biktima ay kinilalang si Estrella Dionesio, na nagtamo ng pitong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang suspect ay kinilala namang si Virgilio Canja.
Sa ulat ng pulisya, alas-8:00 ng gabi noong Sabado ay nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang dalawa dahil umano sa pagiging seloso ng mister.
Ang tatlong mister ay mga nakakulong na sa kanilang mga police station at kinasuhan ng kriminal.
- Latest





















