4 naturalized players ibibida ng Bahrain kontra Gilas
MANILA, Philippines — Biglang nanliit ang Gilas Pilipinas sa isang karibal na Bahrain na magpaparada ng 4 na higanteng naturalized players para sa inaabangang 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.
Bahrain sana ang inaasahang pinaka-kayang koponan ng bagong-bihis na all-PBA Nationals subalit hindi na ito magiging ganoon kadali dahil magkakaroon na ng reinforcements ang long-time naturalized player na si 7-foot-0 na si Jakarr Sampson.
Aalalay sa kanyang likuran ngayon sina, 6-foot-10 Ilic ng Serbia, 6-foot-6 guard Ajukwa na produkto ng Clemson sa US NCAA Division I at 6-foot-11 Thomas muila sa Texas A&M at Clemson din ng US NCAA.
Bahrain ang una nilang makakaharap bukas bago makatapat ang Kazakhstan sa Sabado at China sa Lunes sa Group C ng 12-team Asiad men’s basketball, kung saan susubok ang Gilas na maghari sa ikalawang sunod na edisyon.
Sa mando ni head coach Tim Cone at resident naturalized player Justin Brownlee, panalo ang Gilas noong 2023 Asian Games sa Hangzhou, China tampok ang 70-60 iskor sa finals kontra sa Jordan upang wakasan ang 61-taong pagkagutom sa gintong medalya.
Subalit hindi makakasama ng Gilas si Brownlee ngayon dahil sa iniinda pang leg at hamstring injuries.
Dagdag pa rito ang unavailability ng triple powers na sina 9-time PBA MVP June Mar Fajardo, Kai Sotto at AJ Edu na lalong magpapahirap sa tangkang depensa ng Gilas.
Nag-retiro na sa Gilas si Fajardo habang hindi naman makakalaro sina Sotto at Edu kasama ang iba pang original Gilas players na sina Dwight Ramos, Mike Phillips, Quentin-Millora Brown, Kevin Quiambao at Carl Tamayo dahil walang FIBA break para sa Asian Games ang Japan B. League at Korean Basketball League.
- Latest

















