Male starlet, nahanap ng foreigner na inutangan
Akala yata ng isang male starlet ay natakasan na niya ang malaking utang niya na umabot ng kalahating milyon.
Halos labing limang taon na raw ang nakaraan nung takasan niya ang utang niyang ito nung manirahan siya sa ibang bansa.
Pero dahil sa social media, nahanap siya ng taong kinauutangan niya at sinisingil siya, this time ay umabot na sa higit sa isang milyon dahil sa malaking interes!
Nagkaroon ng malaking utang si male starlet dahil nalulong ito sa sugal. Noong magkaroon siya ng bonggang raket noon sa ibang bansa, halos gabi-gabi raw ay nasa casino ito.
At matuloy lang niya ang bisyo niya, may inuutangan siya sa casino. Pero noong lumobo na ang utang nito, naisip ni male starlet na takasan ito at bumalik sa Pilipinas.
Noong mga panahon na iyon, hindi pa raw masyadong uso ang social media at pekeng ID ang binigay niya sa inutangan niyang foreigner. Ilang taon ang lumipas at wala raw naghanap sa kanya. Feeling safe na raw si male starlet.
Pero dahil sa naging aktibo siya sa social media, doon siya nahanap ng taong inutangan niya! Nagulat siya nang magpadala ito ng direct message sa isang socmed account niya at may photo ng fake ID niya.
Kaya aligaga ngayon si male starlet dahil ‘di niya alam kung paano niya babayaran ang utang niya dahil nabuking na kung sino talaga siya.
Awra, para sa ina ang lahat nang kinikita
Muling nagsalita si Awra Briguela tungkol sa pinagdaraanan ng inang si Marivic Briguela matapos ma-diagnose ng cancer — na una niyang ibinahagi noong July sa social media.
Ayon kay Awra, ang pagsubok na ito ang nagpaalala sa kanya na kailangan siya ng pamilya niya at nagsilbing panibagong inspirasyon para mas magpursige sa buhay.
“Kailangan kong lumaban, hindi lang para sa sarili ko pero para rin sa mama ko, para sa pamilya ko, at sa mga kapatid ko na siyempre, nakaasa sa akin,” sey niya sa YouTube vlog ni Karen Davila.
Lahat daw ng kinikita ngayon ni Awra ay nakalaan na sa pagpapagamot ng kanyang ina at para sa pangangailangan ng pamilya niya. Nakaka-dalawang sessions na raw ng chemotherapy ang kanyang ina.
“Kayang-kaya ko ulit magtrabaho, kayang-kaya ko magsimula ulit magsimula from scratch kasi nagawa ko na po siya. This time po lahat ng kailangan ng mama ko, lahat po ng kailangan ng kapatid ko, isang tawag lang po nila sa akin, binibigay ko po agad kasi ngayon kaya ako nag-continue in life at kaya ko ginagawa ko ang lahat nang ‘to, hindi na lang para sa sarili ko, para sa kanila na lang din po.”
Hollywood actress, may dalawang entry pa sa VFF sa edad na 93
Sa edad na 93, hindi inakala ng veteran Hollywood actress na si Ellen Burstyn na nagtatrabaho pa rin siya, samantalang ‘yung ibang nakasabay niya noon ay retired na o sumakabilang-buhay na. “Little did I know that I would still be working at this level in my 90s, and I love it. I just think it’s... I don’t know how to describe it. I know it’s rare in the business and it’s a surprise to me, but at the same time, it feels perfectly natural because that’s what I’ve done all of my life,” sey ng legendary actress nang tanggapin niya ang Golden Lion for Lifetime Achievement at the 83rd Venice Film Festival.
Dalawa ang pelikula ni Ellen sa naturang festival: Place To Be at Flesh Impact.
Umabot sa 70 years ang acting career ni Ellen. Nagwagi siya ng 67 awards, kabilang ang best actress awards mula sa Oscar, Golden Globe, BAFTA, Emmy at Tony Awards.
- Latest




















