^

Police Metro

Estudyante,kaibigan tinodas sa paghahanap ng gagamba

Tony Sandoval - Pang-masa
Estudyante,kaibigan tinodas sa paghahanap ng gagamba
Kinilala ni PLt. Col. Ryan Hernandez, chief of police ng Lucena City ang mga biktima na sina Red at Manny, 26, kapwa mga residente ng Barangay Market View.
File

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang 15-anyos na estudyanteng lalaki at kaibigan nitong 26-anyos na negosyante nang sila ay barilin ng shotgun ng katiwala ng farm habang naghahanap ng gagamba sa Purok Jasmine, Barangay Domoit, Lucena City, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni PLt. Col. Ryan Hernandez, chief of police ng Lucena City ang mga biktima na sina Red at Manny, 26, kapwa mga residente ng Barangay Market View.

Ang suspek na agad na naaresto ay kinilalang si alyas “Elton,” 38, may-asawa, tubong Negros Occidental at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Domoit na kinasuhan ng 2 counts of murder.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, alas-10:30 ng gabi ay naghahanap ng gagamba ang dalawang biktima at dalawa pa nilang kaibigan sa farm na pinangangasiwaan ng suspek.

Lingid sa kaalaman ng mga biktima ay sinusundan na sila ng suspek na napagkamalan na mga magnanakaw nang makakuha ng tiyempo ay pinaputukan sila ng shotgun nang makailang beses.

Sa tindi ng mga tama ng dalawa ay agad silang nasawi habang nakatakbo ang dalawa nilang kaibigan ng marinig ang mga putok ng baril. Naaresto ang suspek ng mga nagrespondeng barangay tanod.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with