Torre, magbabakasyon ng isang buwan sa MMDA
MANILA, Philippines — Sa gitna ng imbestigasyon na isinasagawa ng Land Transportation Office (LTO) sa pagkakasangkot ng sasakyan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III ay pinili muna nitong magbakasyon ng isang buwan.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, na epektibo na ng Setyembre 8 ang isang buwan bakasyon ni Torre na walang sahod.
Ani Artes, nirerespeto niya ang desisyon ni Torre sa boluntaryong pagbabakasyon, habang nananatili pa rin ang kanyang tiwala sa performance nito sa ahensya.
Ipinaubaya naman ng MMDA sa LTO ang imbestigasyon sa isyung kinasasangkutan ng opisyal.
Iginiit ni Artes na walang opisyal, anuman ang posisyon o ranggo, ang exempted sa traffic laws, at regulations.
Tiniyak ng MMDA na magpapatuloy ang kanilang operasyon at pagpapatupad ng mga batas-trapiko para sa kaligtasan ng publiko.
- Latest



















