^

Police Metro

Jonvic, hihirit ulit ng Interpol Red Notice vs Zaldy Co

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang mahanap at maaresto sa ibang bansa ay muling hihiling ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Interpol ng “Red Notice” laban kay dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Sinabi ni  DILG Secretary Jonvic Remulla na pupunta siya sa Lyon, France upang makipag-ugnayan sa Interpol hinggil sa kahilingan ng Pilipinas na maibalik sa bansa si Co.

Ang Red Notice ay kahilingan sa mga law enforcement agency sa iba’t ibang bansa na hanapin at pansamantalang arestuhin ang isang wanted na indi?idwal habang hinihintay ang extradition, pagsuko o iba pang legal na proseso.

Magsasagawa naman si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ng diplomatic efforts para mapauwi ang dating mambabatas sa bansa.

Kasama si Co sa mga inisyuhan ng arrest warrant? ng Sandiganbayan Third Division kaugnay ng kasong? plunder na isinampa ng Office of the Ombudsman sa umano’y anomalya sa mga flood control project.

Nauna nang natunton si Co sa Portugal bago bumiyahe patungong France at Czech Republic.

Naaresto siya sa Prague matapos matuklasang kanselado ang kanyang Philippine passport ngunit kalauinan ay nakalaya matapos siyang ideklarang “unwanted alien” ng Czech authorities.

Sinabi ni Remulla na naging mahirap ang pagpapauwi kay Co dahil walang extradition treaty ang Pilipinas sa Portugal kung saan siya unang natunton.

ZALDY CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with