^

PM Sports

Singapore Open sunod na paghahandaan ni Eala

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nais ni Alex Eala na kalimutan na ang kabiguang tinamo nito sa US Open.

Kaya naman tututok na ang Pinay tennis ace sa partisipasyon nito sa Singapore Open na aarangkada sa Setyembre 21 hanggang 27 sa The Kallang sa Singapore.

Ang Singapore Open ay isang WTA 500 event na tulad ng Mubadala DC Open sa Washington DC kung saan nakamit ni Eala ang kanyang kauna-una?ang WTA crown.

Target ni Eala na masungkit ang kanyang ikalawang WTA title sa Singapore Open.

Subalit hindi ito magiging madali dahil kumpirmado na ang pagdating ng mga world-class at top-rated players.

Nangunguna na sa listahan si reigning French Open champion Mirra Andreeva ng Russia kasama si dating Wimbledon champion Barbora Krejcikova ng Czech Republic.

Masisilayan din sa aksyon sina American netters world No. 3 Jessica Pegula at Amanda Anisimova.

Pasok din si Oleksandra Oliynykova ng Ukraine na tinalo ni Eala sa 2nd round ng US Open sa New York.

Kasama rin sa mga maglalaro sina Ekaterina Alexandrova, Sara Bejlek, Maja Chwalinska, Sorana Cirstea, Elise Mertens, Anastasia Potapova, Maria Sakkari, Diana Shnaider, Clara Tauson, Janice Tjen at Donna Vekic.

Galing si Eala sa third round exit sa US Open.

Naputol ang ratsada ni Eala nang lumasap ito ng 5-7, 6-3, 5-7 kabiguan kay Iva Jovic ng Amerika.

Sa kabila ng kabiguan, nagkamit naman si Eala ng P19.4 milyon sa kampanya nito sa US Open.

Matapos ang Singapore Open, agad na tutulak si Eala sa Nagoya, Japan para makasama ang Team Philippines sa kampanya nito sa 2026 Asian Games.

Hindi lalaro si Eala sa Beijing Open na isang mandatory WTA tournament kung saan kinakaila?gan ng lahat ng WTA players na maglaro dito.

Ngunit handa si Eala na tanggapin anuman ang maging penalty nito sa WTA para lamang maka?aro sa Asian Games.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with