Pacquiao, bagong anti-poverty chief

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Senador Manny Pacquiao bilang kalihim at lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).
Ayon kay Palace Cabinet Secretary Banhur Abalos, nanumpa na si Pacquiao sa Pangulo. Ipinahayag ni Marcos ang kanyang tiwala sa pamumuno ng dating senador sa pagpapaigting ng mga programa laban sa kahirapan, pagsusulong ng repormang panlipunan, at paglalapit ng serbisyo sa mga komunidad sa buong bansa.
Matatandaang tumakbo si Pacquiao bilang senador sa ilalim ng administration ticket noong 2025 midterm elections, ngunit natalo.
Noong 2022 presidential elections, tumakbo rin si Pacquiao laban kay Marcos ngunit hindi nagtagumpay.
- Latest

























