^

Pang Movies

Pelikula nina Bela at Maricel, P150 na lang ang ticket!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Pelikula nina Bela at Maricel, P150 na lang ang ticket!
Bela at Maricel

Tinanong ng mga fans si Bela Padilla kung ano ang gagamitin nilang pampahid ng luha kapag pinanood nila ang movie nila ni Maricel Soriano na Life After You. Alam nilang nakakaiyak ang movie at gusto lang nila maging handa. Kaya nagtanong kay Bela kung panyo, tissue, o small towel ba ang kanilang dadalhin para sa luha na papatak sa kanilang mga mata.

 Ang ibang fans, hindi na nagtanong, magdadala na lang sila ng panyo para bilang paghahanda.

Dagdag na pampaiyak ang theme song ng movie na Habang May Buhay na version ni Donna Cruz ang ginamit. Kaya siguradong magkakaiyakan sa mga sinehan kapag pinanood na ang  Viva Films movie na showing na simula September 9, 2026 sa direction ni Marla Ancheta.

Pati post ni Bela patungkol sa movie, ramdam ang sakit sa dibdib. “GRABE ka magmahal kaya yung mga sinusulat mo kahit hindi naman nakakaiyak yung eksena, nag-iiyakan tayo sa set. Thank you for letting me be a part of this kahit andaming nangyayari sa life ko nung start ng shooting, you were patient and kind.”

 Maganda ang ginawa ng Viva at theater owners na ibaba ang ticket prices sa SM Cinemas, Ayala Malls, Megaworld Cineman at Sta. Lucia Mall na P150 lang ang tiket.

Karylle, kinainggitan

Nang-inggit si Karylle, nag-post ng photo na nasa harap siya ng Hollywood Walk of Fame ni Lea Salonga. Kita sa mukha nito ang saya na makita ng personal ang stat ni Lea.

 “A Hollywood Star for a real life Disney princess. So happy to see this shining shimmering splendid milestone @msleasalonga.”

Si Vina Morales, nangakong bibisitahin din ang star ni Lea kapag nasa Los Angeles siya. Si Pops Fernandez ang masuwerte dahil nasa LA siya sa unveiling ng  
Hollywood Walk of fame ni Lea at may photo sila ni Lea na magka­sama.

Vice, may tatlong co-host sa GMA

 May update Gandang Gabi Vice show ni Vice Ganda sa GMA-7. Hindi lang pala isa, kundi tatlo ang kanyang co-host. Sila ay sina Vince Maristela, at ang mga komedyante na sina  Divine Tetay at Verna.

 Natuwa ang mga fans sa co-host ni Vice, lalo na kay Divine Tetay dahil marami ang natutuwa sa style ng comedy nito. Pang-telebisyon daw ang istilo kaya patok sa viewers. Iba naman ang style niya ng comedy kapag nasa comedy bar.

 Wala pang reaction ang mga fans kay Vince dahil hindi pa nila ito napapanood mag-host, pero dahil pinili siya ng Kapuso Network, naniniwala silang magaling ito. Same with Verna, kampante ang mga fans na malaki ang maitutulong niya sa GGV.

 Sa September 13, 9:30PM na ang premiere ng GGV, wala pang in-announce na guests.

BELA PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with