Janus, ginantihan sa panlalait kay Jimmy!

May ilang abogado na nag-react sa ipinost ni Janus del Prado tungkol sa Bar exams.
Ang post kasi Janus, “Wag kayo kabahan sa Bar exams. Si Jimmy Bondoc nga nakapasa eh.”
Isa sa kaagad na nag-react ay ang political vlogger na si Atty. Race del Rosario.
Bahagi ng post nito sa social media; “All lawyers, regardless of politics, know the years of study, pressure, sacrifice, and preparation required to earn that title. Hindi ibinibigay ang pagiging abogado dahil sikat ka, Duterte supporter ka, o Jimmy Bondoc ang pangalan mo. You still have to pass the same Bar.
“I may disagree with Jimmy on almost everything political. But he passed the Bar. He earned the title. Give him that.”
Minaliit tuloy si Janus ng ilang netizens na kahit paano ay nakapag-graduate si Atty. Jimmy Bondoc. Pinaghirapan niya ito at naipasa niya ang Bar exam.
Kinuwestiyon ang aktor kung naka-graduate ba siya. Tinawag pa siyang “laos” kaya wala siyang career.
Pero sinagot ito ni Janus sa kanyang social media account. Para sa kanya, pareho lang naman daw silang “laos” ni Atty. Jimmy Bondoc na wala naman daw naipanalong kaso.
Sabi nito sa kanyang FB post; “May nagpakawala ng troll army ng mga DDebs sa akin dahil sa joke ko about “Atty.” 1hit-1der.
“Di hamak naman daw na higit na lamang siya kumpara sa isang laos na artista na tulad ko.
“Ano naman ang lamang niya sa akin eh, sa pagkakaalam ko, parehas lang naman kaming wala pang naipapanalong kaso? Laos din naman kaming parehas sa entertainment industry.
“So, wala tayong winner today. It’s a tie.
“At least, kahit di ako nag-law, alam ko na hindi puwedeng i-serve ang warrant of arrest sa lawyer.”
Mainit talaga itong si Janus at nakipagpatutsadahan sa social media.
Pero sa isyu nila ni Jimmy Bondoc, hindi siya kinampihan ng karamihan dahil sa kinuwestiyon ang educational attainment niya at wala pa siyang naipasang Bar exam.
Yun na!
Serye ni Coco, iniitriga!
Marami ang nagtatanong sa amin kung totoo nga bang tatapusin na raw ang Sigabo ni Coco Martin.
Kaya nagtanung-tanong na rin kami kung ano nga ba ang magiging kapalaran nitong seryeng ito nina Coco at Julia Montes.
Sabi ng ilang reliable source, hindi raw totoo. Ang pagkakaalam daw nila ay hanggang next year talaga ito.
Pero hindi pa natin masasabi kung ano talaga, dahil baka nga marami ang mababago lalo na’t hinahawakan ngayon ni Ms. Chaye Cabal-Revilla ang TV 5.
Pero production naman ni Coco Martin itong teleserye niya, kaya siya naman ang magde-decide kung tatapusin na ba agad o aabot pa ito hanggang next year.
May mga bumulong sa aming baka iyung Master Cutter daw ng GMA 7.
Itong drama series ni Dingdong ay talagang 100 episodes ito.
Ito ang napagkasunduan sa Netflx,
Maganda ang ratings nito kahit sa free TV, kaya sa pagkakaalam namin ay tatapusin talaga ang 100 episodes na aabot ng September 22.
Ang Someone, Someday naman ay nasa 30th episode pa lang ito sa Netflix at ang nakalagay doon ay hanggang 90th episode ito.
Sa free TV ay maayos naman ang rating nito.
Noong Biyernes ay medyo mababa ang viewership kaya hindi talaga humataw nang husto ang mga programang ipinalabas nung araw na iyun.
Ang Master Cutter ay 9 percent, at ang Sigabo ay 7.2 percent.
Sumunod ang Task Force: Firewall na 7.9 percent, at ang Someone, Someday ay 3.4 percent.
Ang First Yaya ay 3.6 percent, at ang
A Secret in Prague ay 1.5 percent.
Sa totoo lang, okay na ang ganitong viewership sa telebisyon dahil ang dami na talagang pinapanood ngayon ang mga tao.
Bukod sa streaming ay pinagkakaabalahan na rin nila ang mga vertical drama sa telepono.
- Latest




















