^

Punto Mo

Lalaking nasunog ang katawan, na-coma, himalang nabuhay! (Last Part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Ang pangyayaring ito ay batay sa salaysay ng isang ina mula sa Mansourieh, Lebanon. Nasunog ang katawan ng kanyang anak na si Charbel Jihad Kassouf, 23, nang pumasok sa nasusunog na residential building para tulungan ang mga na-trap na residente. Seventy percent ang mga tinamong pinsala sa katawan ni Charbel Jihad. Nasunog ang ulo, leeg, mukha, tiyan, binti at mga paa nito at na-coma.)

ISANG oras makaraang makapagdasal ang ina kay St. Charbel sa St. Maron Church of the Monastery sa Annaya, Lebanon, nakatanggap siya ng tawag mula sa hospital na kinaroroonan ng anak. Ibinabalita na nagkamalay na ito.

Napaiyak sa katuwaan ang ina dahil sa magandang balita na ligtas na si Charbel Jihad! Sinagot ni St. Charbel ang dalangin niya. Pagkalipas ng tatlong buwan, nagkamalay ang anak! Nagmamadali siyang umuwi sa Mansourieh, Lebanon.

Iyak nang iyak ang ina nang makita ang anak. Buhay na buhay ito!

Nang nakapagsasalita na nang maayos ang anak, isang nakapaninindig-balahibong kuwento ang sinabi nito sa ina.

“Habang nasa coma ang aking anak, nagpakita sa kanya si St. Charbel at sinabi nito: ‘Bumangon ka Charbel Jihad.’ Sumagot ang aking anak, ‘Hindi ako makabangon.’ Sagot ni St. Charbel: ‘Bumangon ka. Hindi ka mamamatay!’ Bumangon ang aking anak.”

Noong Hulyo 23, 2023, kasama si Charbel Jihad nagtungo ang buong pamilya sa Shrine of Saint Charbel sa monastery ng St. Maron, Annaya, Lebanon para magpasalamat.

Ang himalang nangyari kay Charbel Jihad ay naka-registered Bilang 29491 sa rekord ng ­monasteryo.

HIMALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with