^

Probinsiya

Mezzanine sa Bocaue park gumuho: 2 patay!

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Mezzanine sa Bocaue park gumuho: 2 patay!
Barangay Tambubong, Bocaue, Bulacan as seen on Google Maps.
Google Maps / Philstar.com screenshot

BOCAUE, Bulacan, Philippines — Dalawang empleyado ang nasawi habang tatlo pa ang nasugatan matapos gumuho ang ikalawang palapag o mezzanine ng isang bodega sa Boomtown Industrial Park sa Barangay Tambubong, Bocaue, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Ayon sa mga awtoridad, nangyari ang insidente dakong 3:20 ng hapon habang nasa loob ng establisimyento ang mga empleyado. Iniulat na hindi kinaya ng mezzanine ang bigat ng mga kahon na naglalaman ng mga parcel, dahilan upang gumuho ang bahagi ng istruktura. 

Sa unang ulat ng pulisya, lima katao ang naapektuhan ng insidente.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jennie Ursabia, 29, at Christel Rebua, 18, habang ang mga nasugatan ay sina Dazel Anne Arnaiz, 18; Jonel Barsilon, 28; at Raymond Parman, 25. 

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Bocaue Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection, Bocaue Rescue Team at Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office upang isagawa ang search and rescue operation. Dinala sa ospital ang mga biktima para sa agarang atensiyong medikal. 

Batay sa imbestigasyon parehong nasawi sa ospital ang dalawang empleyado dahil sa matinding pinsalang tinamo.

Samantala, nagkaroon na umano ng pag-uusap ang mga pamilya ng mga nasawi at ang may-ari ng bodega. Nangako ang may-ari na sasagutin ang mga gastusing may kaugnayan sa mga biktima.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with