Janine, ‘di sumakses sa balak kay Harry Styles

Ang saya-saya ni Janine Gutierrez nang mapanood ang concert ni Harry Styles sa Madison Square Garden, New York.
At kasama niyang nanood si Jericho Rosales.
Kasabay nito ang pagdalo nila sa Manila International Film Festival dahil ipapalabas doon ang pelikulang Quezon na pinagbibidahan ni Jericho.
Pero hindi nagtagumpay si Janine sa kanyang balak kay Harry ayon mismo sa kanyang post.
“a full crash out *headphone warning*
“ILY Harry!!!!!!!!!!! @harrystyles!!!!!! ginawa ko ang lahat para makawayan, pero hindi ako naging successful. medyo natakot na si @jerichorosalesofficial. ang nasabi nalang niya, “you lost it.” thank you baba sa patuloy na pagmamahal.”
Tuwang-tuwa naman sa kanya ang followers nila ng actor na talagang ini-enjoy nila ang nasabing biyahe.
Nauna nang sinabi ni Lotlot de Leon na handa na siya sakaling magsabi na sa kanya sina Jericho at Janine na pakakasal na sila.
- Latest



















