Kakie, binigyan ng komisyon sa kanyang TF si Shawie

Proud ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kanilang panganay ni Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie ‘Kakie’ Pangilinan sa debut movie nitong Edjop, The Movie na base sa kwento ng (dating) student leader at acitivist na si Edgar Jopson na ginagampanan sa pelikula ng award-winning actor na si Elijah Canlas kung saan din tampok na mga bituin sina Jodi Sta. Maria, Cedrick Juan at iba pa.
Since first movie ni Frankie ang Edjop, tiyak na todo ang suporta ni Shawie at ang kanyang mister na si Sen. Kiko.
Naging emotional naman si Sharon nang iabot sa kanya ni Kakie ang kanyang first pay envelope bilang actress with matching dedication.
Nangako si Kakie na aalagaan niya ang kanyang parents hanggang sa kanilang pagtanda.
Sobrang na-appreciate ni Sharon si Frankie dahil sa pagiging extra thoughtful nito.
Hindi naman ikinakaila ni Kakie na sobra umano siyang ninerbiyos sa kanyang unang take laluna nang makaeksena niya si Elijah na isang napakahusay na actor.
Pops, magiging aligaga sa kanyang Pops!
Sa pagbabalik sa Pilipinas ni Pops Fernandez ay haharapin naman nito ang kanyang nalalapit na 60th birthday and 40th anniversary concert na nakatakdang ganapin sa Newport Performing Arts Theater in Newport World Resorts in Pasay City on Nov. 26, 2026 na pinamagatang POPS.
Ayaw pa i-reveal ni Pops kung sinu-sino ang kanyang magiging special guests pero sigurado kaming kasama sa line-up ang kanyang ex-husband, ang Concert King na si Martin Nievera at ang kanilang panganay na anak, ang Chicago-based singer-songwriter na si Robin Nievera. Kahit matagal nang hiwalay sina Pops at Martin bilang mag-asawa at may kani-kanya nang buhay, they remain a ‘family’ at bilang stage and concert loveteam hanggang ngayon.
- Latest




















