^

PM Sports

Eala sibak na sa US Open

Chris Co - Pang-masa
Eala sibak na sa US Open
Kinamayan ni Pinay tennis ace Alex Eala si Iva Jovic ng Amerika matapos ang ka­nilang 3rd round match sa US Open.
STAR / File

MANILA, Philippines — Hindi pinalad si Pinay tennis ace Alex Eala nang umani ito ng 5-7, 6-3, 5-7 desisyon kontra kay Iva Jovic ng Amerika sa third round ng US Open kahapon sa Arthur Ashe Stadium sa New York.

Umabot ang laro ng ng tatlong oras at tatlong minuto.

Nagtala si Eala ng tatlong aces at limang double faults habang may apat na aces at apat na double faults si Jovic.

Solidong laro ang bumungad sa first set kung saan palitan ang dalawa ng matatalim na atake.

Ngunit pumabor kay Jovic ang first set para makuha nito ang 1-0 lead.

Sa second set, bumulusok si Eala nang magpakawala ito ng sunud-sunod na winners at base line attacks upang maitabla ang laro sa 1-1.

Nagawa pa ni Eala na makuha ang 4-2 bentahe sa third set.

Subalit ilang krusyal na errors ang nagawa nito kabilang na ang mintis sa final point upang tuluyang makuha ni Jovic ang panalo.

“That felt like a marathon and I felt like I lost my sanity five times over to win that match. But it’s really worth it for this feeling,” ani Jovic.

Makakasagupa ni Jovic sa fourth round si dating US Open champion Coco Gauff na nagtala ng 6-3, 6-4 panalo laban kay Cristina Bucsa ng Spain.

Hindi naman uuwing luhaan si Eala dahil magbubulsa ito ng $290,000 o halos P18 milyon sa pagpasok nito sa third round ng US Open.

Nalampasan din ni Eala ang kanyang second round exit noong 2025 edisyon ng naturang Grand Slam event.

Ilang torneo pa ang nakalinya para kay Eala.

Kasama na ang Singapore Tennis Open na lalaruin mula Setyembre 21 hanggang 27.

Sesentro rin ang atensiyon ni Eala sa 2026 Asian Games na idaraos sa Nagoya, Japan.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with