^

Police Metro

P100 milyong kontrabando, nasamsam ng Philippine Navy

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaabot sa P100 milyong halaga na kontrabando ang nasamsam ng Philippine Navy sa isinagawang tatlong maritime operations mula Agosto 28 hanggang Setyembre 3, ayon sa ulat kahapon.

Kabilang sa mga nasamsam ay ang mga hindi dokumentadiong diesel fuel na nagkakahalaga ng P 72,172,046; smuggled na dayuhang brand ng sigarilyo at mga illegal na trosong Lauan na nagkakahalaga ng P251,999.

Sa kabuuan umaabot sa P99,653,015 ang kabuuang nakumpiskang mga illegal na kontrabando kasama na ang vessel na pinagkargahan sa nasabing mga smuggled na goods.

Bago ang operasyon ay nakatanggap ng impormasyon ang Philippine Navy hinggil sa illegal na smuggling operations kaya agad na nagsagawa ng masusing pagmomonitor na nagresulta sa pagkakasamsam ng mga kontrabando.

Inihayag ni Rear Admiral Constancio Arturo Reyes Jr., Commander ng Naval Command Western Mindanao na ang pagkakasamsam sa nasabing mga smuggled goods ay bunga ng mahigpit na anti-smuggling operations ng mga operatiba ng Philippine Navy.

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with