^

Police Metro

2 Kanong pedopilya,’di pinapasok sa ‘Pinas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naharang ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang American nationals na kapwa convicted sa sexual assault at pang-aabuso sa menor-de-edad sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Sa ulat, noong Agosto 20 nang dumating sa bansa si Daniel Anthony Welch, 53, sakay ng United Airlines flight mula San Francisco habang si Christopher Jon Plowman, 57, sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) noong Agosto 16.

Batay sa rekord ng BI nahatulan si Welch sa Estados Unidos noong 2006 dahil sa sexual assault at paulit-ulit na pattern ng pang-aabuso sa 14-anyos na biktima.

Si Plowman sakay ng Eva Air flight mula Taipei ay hindi naman pinayagang makapasok sa bansa nang maberipika na convicted naman sa US 2005.

Iginiit ni Commissioner Joel Anthony Viado na batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na protektahan mula sa pang-aabuso ang mga kabataan at mahihinang mamamayan kaya nananatiling mapagmatyag ang mga frontline at enforcement unit ng BI sa pagsala ng mga dayuhan at binibigyang-prayoridad ang pagharang sa mga indibidwal na maaaring magdulot ng banta sa publiko.

IMMIGRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with