^

Punto Mo

PRO6 police, No. 1 sa kampanya vs wanted persons!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Mga wanted persons, lumayas kayo sa Western Visayas dahil hindi kayo sasantuhin ni PRO6 director Brig. Gen. Randulf Tuaño. Bakit? Kasi nga mga kosa, No. 1 na naman ang PRO6 sa kampanya ng PNP vs wanted persons noong nakaraang buwan. Mula Agosto 1 hanggang Agosto 31 kasi, nagtala ng 29.56 percent na overall performance ang PRO6 sa paghabol at paghuli ng wanted persons. “Ang resulta na ito ay bunga ng sipag at dedikasyon ng ating mga personnel sa ground, kasama ang tiwala at suporta ng ating mga komunidad.,” ayon kay Tuaño. “Patuloy nating sinusundan ang mga impormasyon at ipinapatupad ang mga warrant, pero ginagawa natin ito nang tama alinsunod sa batas at may paggalang sa karapatan ng bawat isa,” ang dagdag pa ni Tuaño. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Batay sa opisyal na datos ng PNP, 328 wanted persons ang naaresto ng PRO6 sa buong Western Visayas sa loob ng isang buwang evaluation period. Kabilang dito ang 73 Most Wanted Persons at 255 other Wanted Persons. Ang bilang ay naitala laban sa monthly operational target na 1,110 kaso, dahilan upang manguna ang PRO6 sa PNP national performance ranking.

Ang accomplishment, ayon kay Tuaño, ay bunga sa tuluy-tuloy na police operations, disiplina sa operasyon, at patuloy na pakikipagtulungan ng komunidad sa buong rehiyon. “Ang mahalaga, ang mga may nakabinbing kaso ay maiharap sa tamang proseso ng batas. Hindi lang ito tungkol sa pag-aresto; tinitiyak natin na maayos na naipatutupad ang mga warrant at makausad ang mga kaso sa korte,” aniya. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Binigyang-diin ni Tuaño na ang kampanya kontra wanted persons ay hindi lamang tungkol sa rami ng mga naaaresto, kundi sa pagtiyak na ang mga taong may outstanding warrant ay maiharap sa tamang hukuman sa pamamagitan ng naaayon sa batas na police action. Hinimok din ni Tuaño ang publiko na patuloy na magbigay ng impormasyon na makatutulong sa pagtukoy at paghahanap sa mga wanted person, habang tiniyak na ang mga ulat ay hahawakan nang may angkop na pagiging kumpidensiyal. “Ang ating mga komunidad ang pinakamalalakas nating katuwang. Kung may impormasyon kayo tungkol sa isang wanted person, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na police station. Malaking tulong ang inyong pakikipagtulungan upang maiwasan ang mga posibleng insidente at matiyak na maayos na nasusunod ang proseso ng hustisya,” ang pahayag ni Tuaño. Abangan!

RANDULF TUAñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with