^

Punto Mo

Lalaking nasunog ang katawan, na-coma, himalang nabuhay! (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Ang pangyayaring ito ay batay sa salaysay ng isang ina mula sa Mansourieh, Lebanon. Nasunog ang katawan ng kanyang anak na si Charbel Jihad Kassouf, 23, nang pumasok sa isang nasusunog na residential building para tulungan ang mga na-trap na residente. Seventy percent ang mga tinamong pinsala sa katawan ni Charbel Jihad. Nasunog ang ulo, leeg, mukha, tiyan, binti at mga paa nito at na-coma. Ayon sa mga doktor, maliit ang tsansang makaligtas ang binata.)

Habang walang malay o nasa coma ang anak na si Charbel Jihad, nagtungo ang ina sa Monasteryo ni St, Charbel sa Annaya, Lebanon at taimtim na nagdasal. Hiniling niyang tulungan siya ni St. Charbel sa pamamagitan ni Panginoong Hesukristo. Ayon sa ina, deboto na sila noon pa ni St. Charbel. Dagdag pa ng ina, ang kanyang anak ay laging nagdarasal kay St. Charbel.

Sa pagsusumamo ng ina kay St. Charbel, nasabi niya sa rebulto nang mapaghimalang santo: “Nakikiusap ako St. Charbel, puntahan mo ang aking anak sa ospital. Gisingin mo siya at pagalingin sa mga sugat na tinamo sa sunog. Mamagitan ka sa pamamagitan ni Lord Jesus Christ.”

Isang oras makaraang makapagdasal, nakatanggap ang ina ng tawag mula sa hospital na kinaroroonan ng anak. Ibinabalita na nagkamalay na si Charbel Jihad!

(Itutuloy)

LEBANON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with