^

Punto Mo

Lalaking nasunog ang katawan, na-coma, himalang nabuhay! (part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ANG pangyayaring ito ay base sa salaysay ng isang ina mula sa Mansourieh, Lebanon. Nasunog ang katawan ng kanyang anak na si Charbel Jihad Kassouf, 23, nang tangkaing pumasok sa isang nasusunog na residential building para tulungan ang mga na-trap na residente. Pauwi na noon si Charbel Jihad galing sa trabaho nang maganap ang sunog dakong 6:00 ng gabi.

Ayon sa ina, may mga ­nailigtas ang kanyang anak subalit grabe ang mga tinamong pinsala sa katawan. Nasunog ang ulo, leeg, mukha, tiyan, binti at mga paa nito.

Walang malay na isinugod sa Geitaoui Hospital in Beirut si Charbel Jihad. Ayon sa ina, sinabi ng mga doktor na wala nang pag-asang mabuhay ang binata dahil sa mga tinamong pinsala sa katawan.

Ayon sa ina, habang nasa coma ang anak, nagtungo siya sa monastery ni St. Charbel sa Annaya, Lebanon at taimtim na nagdasal. Umiiyak siyang hu­mingi ng tulong kay St. Charbel. Hiniling niyang pagalingin ang kanyang anak. Hiniling niyang tulungan ito sa pamamagitan ni Panginoong Hesukristo. (Itutuloy)

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with