Zia, pinagpapraktisan na ang The Voice?!

Magsisimula na ang paghahanap para sa pinakamahusay na boses ng mga batang singer sa bansa. Humanda na sa powerhouse vocals at hindi mapigilang star power, dahil ang pinakamalaking reality singing competition, ang The Voice Kids, ay magbabalik para sa isang bagung-bagong season sa GMA Network ngayong Linggo, Setyembre 13.
Sa season na ito, pagsasama-samahin ang tatlo sa pinakamalalaking pangalan sa industriya, tampok ang isang fresh and dynamic three-coach lineup. Babalik sa coach’s chair ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose upang gabayan ang Julesquad. Kasama niya ang mga pinakabagong coach: ang Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino, na nangunguna sa Yengcredibles, at ang Makata sa Pinas Gloc-9, na nangunguna sa Team Makata.
Magkasama ang tatlong magagaling na coach na ito upang gabayan at bigyan ng inspirasyon ang susunod na henerasyon ng mga talento.
Sa tatlong coach na nakikipagkumpetensya para sa pinakamahuhusay na boses ng mga batang mang-aawit sa bansa, ang bawat chair turn ay nagiging mas mahalaga, habang nakikipaglaban sila sa pinakahihintay na Blind Auditions.
Ang pagbabalik ngayong season ay ang Replay Button, na nagbibigay-daan sa mga coach na iligtas ang isang exceptional talent na hindi nakakuha ng chair turn sa kanilang unang sabak.
Kukumpleto sa star-studded lineup sa main stage sina Dingdong Dantes, na bumalik bilang program host, at si Gabbi Garcia, na siyang magiging journey host ng palabas, na magdadala sa mga manonood sa isang eksklusibong pagdiskubre sa mga personal na kwento ng bawat sasali.
Mula sa blind auditions, knockout round, sing-offs at semi-final round hanggang sa grand stage kung saan ang mga batang boses na ito ay aawit nang buong puso upang angkinin ang titulo ng grand champion, ipinapangako ng The Voice Kids ang isang season kung saan ang bawat boses ay mahalaga at ang bawat pangarap ay nararapat bigyan ng pagkakataon.
At dito inamin ni Dingdong na interested si Zia, ang panganay nila ni Marian Rivera.
Noon pa raw talaga bet ni Zia na sumali sa mga katulad nitong Voice Kids.
“Meron na talaga, noon pa man. At ginagawa namin sa bahay, kasi pandemic ‘yon, na kami ng mommy niya ang mga coaches, tapos magpi-perform siya. Tapos iikot namin ang upuan. Nagru-role playing kami noon, lalo na noong pandemic.
“Alam na alam niya ‘yon, lalo na noong nanonood siya ng The Voice!” pag-amin ni Dingdong.
Hanggang natanong siya kung papayagan ba niya si Zia if ever na gusto nitong sumali.
“Basta kung ano ‘yung gusto niya, siyempre sumusuporta kami. Kasi ‘yung pag-allow ng pag-audition, it’s one way of showing your support. But you’re also encouraging her to study more, to hone her craft, whether singing man ‘yan, or kahit anong talento.
“Alin man sa dalawang ‘yon, eh, nandoon kami para sa kanya. Pero sa aspeto sa pagsali sa mga contest, hindi pa naman namin napag-uusapan.
“Pero dinadala ko siya dito para bumisita, at mapanood. This season, ganun din ang gagawin ko, kasi gusto ko rin makita kung ano ang trabaho ng tatay niya, kung ano ba ang ginagawa ng tatay niya, at kung gaano kasaya ang trabaho ko bilang isang host, na nami-meet ang napakaraming talented ng mga kabataang ito,” sagot pa ni Dingdong.
So, paano kung isang araw, sabihin na lang ni Zia na gusto na niyang mag-record ng kanta, maging tunay na singer?
“Kung susuportahan natin siya, may kaakibat din na kondisyon. Na sa ngayon ay mahalagang-mahalaga ang pag-aaral. Kailangan balanse talaga lahat.
“Sige pagbibigyan natin ang gusto nila, pero at the same time, kailangan meron silang mga dapat gawin, to also earn, ‘di ba, these things that they want to accomplish,” hirit na saad ni Dingdong.
Catch The Voice Kids every Sunday, 7:00 pm, on GMA Network and Kapuso Stream. Global Pinoys can also catch the program via GMA Pinoy TV!
Anak ng maimpluwensyang personalidad, ‘di na nabawi ang isinanlang milyones na relo!
Status symbol ngayon ang mga Patek Philippe. At ‘pag may ganun kang luxury watches, meaning hindi ka basta-basta. ‘Yan ay kundi fake ang suot mong brand ng relos.
Na ipinanregalo ng isang influential father sa kanyang anak sa ibang babae.
Yes you read it right. Afford naman ni maimpluwensiyang ama na magregalo ng ganung relos sa anak na lalaki sa ibang babae.
Pero ang siste, nangailangan diumano ng datung ang anak na lalaki. Kinailangan nitong isanla ang nasa regalong relos ng ama sa halagang P150,000 lang.
Parang wala pang 10 percent sa kabuuang halaga ng nasabing relos.
At ang pinaka-sad, hindi na raw ito nabawi as in hindi na natubos.
Nawala ang relos na milyones ang halaga.
Nanghihinayang ang mga taong nakarinig tungkol dito.
Ang swerte raw ng taong pinagsanlaan. Nagkaroon siya ng relos na hindi kayang bilhin ng maraming Pilipino.
May opinyon naman ang iba na baka hindi alam ng anak ng maimpluwensiyang tao na ganun ‘yun kamahal kaya hindi na sila nag-effort na tubusin ang nasabing wristwatch.
- Latest


















