^

Probinsiya

Rider nabagsakan ng nabuwal na puno, grabe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng mabagsakan ng isang matandang puno ng acacia habang bumabagtas sa MacArthur highway sa Brgy. Telabastagan, San Fernando City, Pampanga.

Sa report ng San Fernando City Public Order and Safety Coordina­ting Office (CPOSCO) ang rider ay nagtamo ng pagkabali ng braso sa insidente na mabilis na isinugod sa Jose Lingad Memorial General Hospital para malapatan ng lunas.

Base sa imbestigasyon, kasalukuyang bumabagtas ang nasabing rider sa bahagi ng nasabing highway ng biglang matumba ang isang matandang puno ng acacia sa tabi ng daan maga-alas-12 ng tanghali.

Sa nasabing ­insidente ay minalas namang matumbahan ng puno ang rider na namimilipit sa sakit sa insidente.

Nabatid na ang natumbang puno ng acacia ay nasa 50 taon  na bumigay sanhi ng malalakas na pag-ulan sa lugar dulot ng habagat.

Ang biktima ay mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng pangunahing lunas.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with