^

Probinsiya

Misis pumalag sa holdap, binaril sa mukha! 

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Misis pumalag sa holdap, binaril sa mukha! 
Ito’y sa kabila ng gun ban na pinaiiral sa lungsod kaugnay ng gaganaping Bangsamoro Parliamentay Elections sa darating na Setyembre 14.
STAR / File

Habal-habal driver nadamay

MANILA, Philippines — Dalawa katao kabilang ang isang misis ang nasugatan makaraang manlaban ang huli sa dalawang armadong holdaper na binaril ang mga ito saka mabilis na tumakas tangay ang bag ng ginang na naglalaman ng pera sa Brgy. Rosary Heights, Cotabato City nitong Biyernes ng hapon.

Ito’y sa kabila ng gun ban na pinaiiral sa lungsod kaugnay ng gaganaping Bangsamoro Parliamentay Elections sa darating na Setyembre 14.

Sa ulat ni P/Col. Jibin Bongcayao, Director ng Cotabato City Police  ang ginang ay tinukoy lamang sa pangalang Mercy na isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center kasama ang habal habal driver na tinamaan din ng bala sa pamamaril ng isa sa mga holdaper.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-3:10 ng hapon habang kalalabas lamang sa bangko ng biktimang si Mercy matapos itong mag-withdraw ng P135,000 at sumakay sa habal-habal pauwi sa kanilang tahanan nang sundan ng riding-in-tandem suspect. Pagsapit sa kahabaan ng Alino Street sa Brgy. Rosary Heights ay dito na hinarang ng mga suspect ang habal-habal na sinasakyan ng ginang na agad nagdeklara ng holdap sabay hablot sa dala nitong sling bag na may pera.

Gayunman, pumalag ang ginang kaya binaril ng isa sa mga suspect sa kaliwang bahagi ng mukha. Nadamay naman sa insidente ang habal-habal driver na tinamaan ng bala sa leeg.

Ang mga suspect ay mabilis na tumakas patungo sa direksiyon ng ­Notre Dame Avenue tangay ang perang tinangay mula sa ginang

Narekober ng mga nagrespondeng pulis ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol sa lugar.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with