Dambuhalang bato bumagsak, Marilaque Highway isinara
MANILA, Philippines — Malalaking boulder o tipak ng bato ang kasama sa pagguho ng lupa ang humarang sa bahagi ng Marilaque Highway sa Barangay Pinugay, dahilan upang isarado ito sa mga motorista na patungong Rizal, Laguna, at Quezon nitong Biyernes.
Dahil dito, pansamantalang isinara ang kilometer 41 hanggang km. 45 upang magsagawa ng clearing operations.
Naganap ang pagguho dakong alas-6:00 ng umaga nang makaramdam ng tila lindol ang mga residente ng barangay na nasundan ng pagguho ng lupa, na masuwerteng walang nasawi. Isang dyip ang kamuntik nang mabagsakan ng 50 metro ng lawak na landslide, na sanhi umano ng pagkababad ng lupa at pag-uga ng mga puno na iwinasiwas ng malakas na hangin.
Natulong-tulong ang mga tauhan ng Baras Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Department of public Works and Highways, mga pulis, sundalo, at mga tauhan ng Meralco sa clearing operations at pagsasaayos ng mga poste ng kuryente. Gumawa rin ang mga sundalo ng pathway para may pansamantalang madaanan ang mga tao sa kabilang gilid ng kalsada. Pagsapit ng gabi ay tuluyan nang ibinalik sa normal ang magkabilang linya.
- Latest


















