^

PSN Palaro

Gilas magbabaon ng panalo vs South Korea

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Gilas magbabaon ng panalo vs South Korea
Gilas Pilipinas
Samahang Basketbol ng Pilipinas via Facebook

MANILA, Philippines — Malupit na pabaon ang asam ng Gilas na mabitbit sa Japan para sa Achi-Nagoya Asian Games tampok ang tangkang bawi kontra sa South Korea sa 2026 Hana Bank Invitational sa Suwon KT Sonicboom Arena ngayon.

Lilipad ang Gilas pa-Japan bukas subalit gusto munang makaganti sa Koreans sa ala-1 ng hapon matapos ang 81-55 tambak sa una nilang duwelo kamakalawa.

Lumitaw ang kawalan ng karanasan at chemistry ng bagong buong Gilas matapos hindi maiparada ni  Tim Cone ang original na FIBA team niya dahil sa unavailability ng Pinoy imports sa Japan B. League at Korean Basketball League.

Sa kabila nito, malaki pa rin ang tiwala ni Cone sa koponang naatasang depensahan ang trono ng Gilas sa Asian Games  si­mula sa Setyembre 10 kontra sa Bahrain, Kazakhstan at China sa Group C.

Mula sa FIBA roster na winalis ang Window 4 ng 2027 World Cup Asian Qualifiers kontra sa Jordan, 82-81, at Iran, 68-56, sina RJ Abarrientos ng Ginebra, Justine Baltazar at Justin Arana ng Converge ang isinama sa Asian Games team dahil sa kawalan ng break ng Japan B. League at Korean Basketball League para sa non-FIBA tournaments na nagbawal sa Pinoy imports na makapaglaro sa Gilas.

Matatandaang tinalo ng naturang koponan ang FIBA team sa tune-up game nila subalit hindi umubra sa Koreans nang maiwan agad sa 33-45 at hindi na nakahabol pa tungo sa 26-puntos na talo.

Bumandera sa Gilas sina Baltazar at Adrian Nocum ng Rain or Shine na may 15 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with