^

PSN Showbiz

Ivana, niladlad ang kita sa social media

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ivana, niladlad ang kita sa social media
Ivana Alawi.
STAR/ File

 “Magkano nga ba ang kinikita ko sa mga videos ko sa Facebook? Ipapakita ko sa inyo kung magkano rin ang naitutulong n’yo kaya lagi kong sinasabi, ang tulong na ginagawa natin is not just from me kundi galing din sa inyo,” simula ni Ivana Alawi matapos niyang ipakita ang videos sa Facebook (FB) na sabi niya ay kabilang sa mga pinanggaga­lingan ng mga ginagamit niyang pantulong tuwing magkakaroon ng kalamidad sa bansa.

 Sa video nga na ipinost niya sa FB page niya, ipinakita ng sexy actress ang kanyang kita sa ilan sa contents kabilang na rito ang pinag-usapan at bina-bash na paglusong niya sa baha habang namamahagi siya ng tulong sa Pampanga kamakailan.  

Kinukuwestyon ng iba ang kanyang pamamahagi ng tulong habang nasa bahang lugar sa Pampanga.

“And okay maging transparent para at least, alam n’yo rin,” sabi niya.

 May resibo na nagkakahalaga ng $2,082 (approximately P129,103) at may views itong 38 million. “Hindi ibig sabihin, 38 million (views) ay may P1 million ka na. This is my platform kung saan ako namimigay, nagse-share ng blessings. Galing din ito sa inyo. Kung anuman ang kinikita nito, binabalik ko lang din.”

Sabi pa niya: “Meron din akong mga rental properties. Mahilig akong mag-invest sa mga lupain, sa bahay. At kumukuha rin ako do’n para makapagtulong din kasi I have more than enough.

 “I’m blessed, nabigyan n’yo ako ng ganitong platform na makakapag-share tayo ng blessings especially sa bansa natin ngayon na... Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo?” sabi pa niya sa ibang pinagkukunan daw niya ng kanyang mga pinantutulong.

 Ganundin daw ang talent fees niya sa kanyang mga endorsement. “And this is my platform kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko. Kung gusto kong tumulong, tutulong tayo. At kung gusto kong mamigay, mamimigay tayo. Kaya wala akong pakialam. Gawin n’yo kung anong gusto n’yong gawin sa platform n’yo,” sabi pa niya na may pa-shade sa bashers.

Wala na rin daw siyang pakialam sa mga hater dahil mas importanteng pinapanood daw ang kanyang mga video.

At in all fairness may iba pa siyang resibo na inilabas para sa mga kita niya sa FB kung saan meron siyang 53 million followers.

‘Yung pamimigay niya ng relief goods ay $2,338.65 (approximately P144,996), ­­$1,049.55 (approximately P65,096) nung nagre-repack siya at may iba pa.  

But anyway, ‘wag naman sanang maging basis ito ng iba para maging influencer na rin.

Ayon sa ilang report, maraming mga magulang na ngayon ay ini-encourage ang mga anak na mag-influencer na lang dahil mas malaki nga raw ang kita. (SVA)

IVANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with