Nene todas, lolo at kapatid sugatan sa bangga
MANILA, Philippines — Namatay habang dinadala sa ospital ang isang 9-anyos na batang babae habang sugatan ang kanyang lolo at kapatid na 5-anyos matapos na mabangga habang bumababa sa sinasakyang motorsiklo sa harap ng San Vicente Elementary School sa circumferential road ng Brgy. San Vicente Virac, Catanduanes, kamakalawa ng umaga.
Ang nasawi ay kinilalang si Elisse habang patuloy na inoobserbahan ang kanyang kapatid at lolo na si Mario, 58-anyos.
Sa ulat, alas-7:15 ng umaga lulan ng kanilang motorsiklo ay inihatid ni Lolo Mario sa paaralan ang kanyang apong si Elisse at kapatid nito.
Habang nakatigil sa harap ng paaralan at bumababa sa motorsiklo ang mga apo ay binangga sila ng rumaragasang pampasaherong jeep na minamaneho ng kinilala lamang na si Arnold.
Hawak na ng mga pulis si Arnold na nahaharap sa patung-patong na kaso.
- Latest






















